CENTRAL MINDANAO- Nasa maayos ng kalagayan ang unang pasyente na nagpositibo sa Coronavirus Disease sa probinsya ng Cotabato.
Sa ulat ng Department of Health (DOH-12) na nagnegatibo na sa ikalawang swab test si PH 3272, 45 anyos, may asawa at residente ng Midsayap North Cotabato.
Ang biktima ay nagpositibo sa unang swab test result ng RITM na may travel history sa Matina Gallera sa Davao City.
Nakatakda nang ilabas sa Cotabato Isolation Center si PH 3272 dahil wala nang nakitang sintomas ng Covid 19 sa kanyang kalusugan.
Bago ma-discharge ang nasabing pasyente ay makikipag-ugnayan naman ang Task Force COVID 19 sa pamumuno ni BM Dr Philbert Malaluan sa Municipal Health Office ng Midsayap Cotabato para sa disposisyon ng nasabing recovered patient.
Sa ngayon ay nanatiling Covid 19 free ang bayan ng Midsayap at nagsisikap ang lahat ng sektor laban sa nakakahawang sakit.