Nasungkit ni John Derick “Jerich” Farr ang unang medalya para sa Pilipinas sa 33rd Southeast Asian Games, matapos nitong matagumpay na makuha ang ikatlong pwesto sa isinagawang men’s downhill mountain bike sa Khao Kheow Open Zoo sa Chonburi
Natapos si Farr sa oras na 2:43.67, kung saan nasigurado ng Pinoy na masungkit ang Bronze medal para sa bansa.
Sinundan nito ang Thai biker na si Methasit Boonsane sa oras na 2:37.85 na siyang nakakuha ng Gold medal, habang si Rendy Varera Sanjaya naman ang nakauwi ng silver medal na nagtapos sa oras na 2:38.71
Samantala, patuloy parin ang mga isinasagawang paliksahan ngayon sa Thailand kung san ipinagdaraos ang SEA Games.
Mataas naman ang tiwala ng mga Pinoy na makakauwi pa ng ibang medalya ang mga atletang Pilipino sa iba’t ibang larangan ng sports.










