-- Advertisements --
Muling nabulsa ni Agatha Wong ang kanyang ika-anim(6) na gintong medalya sa 2025 South East Asian (SEA) Games matapos magtagumpay sa taijiquan-taijijian event nitong Linggo.
Nagdagdag ito sa kanyang tagumpay sa mga nakaraang edisyon ng SEA Games, kung saan patuloy niyang pinapakita ang kahusayan sa kanyang sport.
Samantala, ang Philippine judo team ay nagwagi naman ng isa pang ginto sa Mixed Team event, kasunod ng tagumpay ni Chino Sy-Tancotian noong Sabado.
Natapos ng koponan ang kanilang kampanya na may dalawang ginto, tatlong pilak, at dalawang bronze na medalya.














