-- Advertisements --
Nagsimula ng dumating ang mga atleta ng bansa sa Chengdu, China ilang araw bago ang pagsisimula ng World Games.
Mayroong 47 na atleta na ipapadala ang bansa para sa 11 na araw na torneo ng non-Olympic sports.
Ang pangalawang batch na atleta ay aalis ngayong Martes, Agosto 5 mula Manila at Hong Kong.
Nitong Linggo ay dumating na sa China ang men’s floorball team para paghandaan ang laban nila kontra Latvia sa araw ng Huwebes.
Magugunitang itinalaga ng Philippine Olympic Committee sina wushu athlete Agatha Wong at cable wakeboarder Ralph Trinidad bilang flag bearers para sa opening ceremony.