-- Advertisements --
Nagwagi ng apat na gintong medalya ang Team Philippines sa mga nagdaang laban noong Disyembre 16 sa 2025 Southeast Asian Games.
Nanguna sa mga nagbulsa ng ginto sina Joanie Delgaco at Kristine Paraon sa women’s double sculls rowing, Zyra Bon-as sa women’s 48kg low kick kickboxing, Jasmine Ramilo sa women’s individual all-around rhythmic gymnastics, at EJ Obiena sa men’s pole vault.
Bukod sa mga ginto, nag-uwi rin ng maraming tansong medalya ang Pilipinas mula sa rowing, sailing, aquathlon, kickboxing, chess, boxing, muay, at athletics, na lalong nagpatibay sa kampanya ng Pilipinas sa regional meet.














