Nakalabas ang kauna-unahang grain shipment mula sa pantalan ng Odesa Ukraine simula ng sumiklab ang Russian invasion noong Pebrero.
Kaugnay nito nagpaabot ng pasasalamat si Ukrainian Infrastructure Minister Oleksandr Kubrakov, sa Turkey at UN natumulong para maisakatuparan ang kasunduan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa ilalim kasi ng kasunduan sa pagitan ng Russia at Ukraine noong nakalipas na buwan, nasa kabuuang 5 million tons ng grain ang inaasahang i-export mula sa Black Sea ports ng Ukraine kada buwan na makakatulong para maibsan ang global food crisis na sumiklab dahil sa pagharang ng Russia sa mga pantalan ng Ukraine.
Lulan ng Sierra Leone-flagged ship Razoni ang mahigit 20,000 metric tons ng mais at inaasahang magpapadala ng ilang barko alinsunod sa kasunduan na nilagdaan sa Istanbul noong July 22.
Dadaan ang naturang barko sa Black Sea at sa Bosporus Strait para makarating sa global markets.