-- Advertisements --

Tiniyak ng United Nations na kanilang papanagutin ang nasa likod ng mass killing sa el-Fasher, Sudan.

Ayon kay UN human rights chief Volker Türk na isang wake-up calls ito sa gobyerno ng Sudan na dapat protektahan ang mga inosenteng indibidwal.

Mula kasi ng sumiklab ang civil war sa Sudan ay mahigit 150,000 katao na ang nasawi at 12 milyon residente ang lumikas.

Ang mga findings ng UN ay ibinabahagi nila sa International Criminal Court.

Inaakusahan kasi ang United Arab Emirates (UAE) na sila ang nagsusuplay ng armas sa Rapid Support Forces (RSF) militia na siyang kumakalaban sa gobyerno ng Sudan.