-- Advertisements --
Nakatakdang magsagawa ng botohan ang United Nations Security Council sa panibagong ceasefire resolution.
Ang nasabing resolution ay isinulong ng mga bansang Algeria, Denmark, Greece, Guyana, Pakistan, Panama, the Republic of Korea, Sierra Leone, Slovenia at Somalia.
Nakasaad sa nasabing resolution na dahil sa pinatinding opensiba ng Israel ay lumala lalo ang kagutuman sa Gaza.
Nakasulat din sa resolution ang panawagan ng agaran, unconditional at permanenteng ceasefire.
Ipinapanawagan din nila ang pagtanggal na ng Israel ng restrictions para makapasok ng malaya ang mga tulong Gaza.
Mahalaga din na magsumite ng ulat ang secretary general tuwing 30 araw kung naipapatupad ba ang nasabing resolution.