Nakahandang magpadala ng anumang uri ng suporta ang United Nation sa Pilipinas kasunod ng tumamang malakas na lindol sa Davao Oriental ngayong Biyernes, Oktubre 10.
Ayon kay UN Philippines Resident Coordinator Arnaud Peral, naka-standby ang kaugnay na mga ahensiya ng United Nation para rumesponde sakaling humingi ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas.
Siniguro din ng UN official ang palagiang pakikipag-ugnayan sa gobyerno at mga lokal na awtoridad gayundin sa civil society organizations para sa pag-activate ng kanilang mga network.
Kasalukuyan na rin aniyang nagsasagawa ng assessment ang UN team sa Pilipinas sa sitwasyon sa mga lugar na tinamaan ng lindol.
Inihayag naman ng acting head ng UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs in the Philippines na si Joseph Addawe na may contingency plan ang ahensiya na nakalatag para mapabilis ang pagresponde sakaling hingin ang kanilang suporta.
Matatandaan na ang UN Philippines ang kabilang sa isa sa mga international organizations na nangako ng agarang humanitarian assistance sa mga apektadong komunidad.