-- Advertisements --
Muling nagbabala ang United Nations refugee agency for Palestinians (UNRWA) sa pagkalat ng nakakahawang sakit sa Gaza.
Ito ay matapos na hinarangan ng Israel ang mga pangunahing border crossing na siyang dinadaanan ng mga tulong.
Ayon sa UNRWA na ang init ng panahon at ang kawalang ng malinis na tubig ay siyang dahilan ng pagkalat ng mga nakakahawang sakit.
Una ng nagbabala ang World Health Organization na marami ang masasawi dahil sa kawalan ng suplay ng mga gamot sa mga pagamutan sa Gaza.