Naglabas na ng desisyon ang United Nations International Court of Justice sa genocide case na isinampa ng South Africa laban sa Israel dahil sa labanan sa Gaza.
Sa botong 15-2 ay inatasan na lamang nila ang Israel na iwasan na makagawa ng genocide sa pag-atake nito sa Gaza.
Maypapadala rin ang Israel ng report sa korte sa loob ng isang buwan.
Nararapat din na ipreserba ng Israel ang mga ebidensiya at nararapat na hindi harangin ang mga fact-finding mission na pag-aralan ang mga ito.
Tinanggap naman ni Palestinian foreign minister Riyad al-Maliki ang desisyon at sinabing ang mga judge ay pumabor lamang sa sangkatauhan at sa international law.
Sinabi naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na ipagpapatuloy nilang ipagtanggol ang kanilang bansa.