Nanawagan ang United Nations sa US government na bawiin na ang sanctions na ipinatupad nito sa apat na judges ng International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni UN’s human rights chief Volker Turk, na ang pag-atake sa mga judges ay tila sumasalungat sa kawalan ng respeto sa rule of law at pantay na proteksyon ng batas.
Una ng inanunsiyo ni US Secretary of State Marco Rubio ang sanctions sa ICC judges dahil sa iligal nila pagbatikos sa Israel at US.
Isa umano itong kasagutan sa inilabas na warrant of arrest ng ICC laban sa ilagn opisyal ng Israel na pinamumunuan ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Ang mga ICC judges ay kinilala sina: Solomy Balungi Bossa ng Uganda, Luz del Carmen Ibáñez Carranza ng Peru, Reine Adelaide Sophie Alapini Gansou of Benin, at Beti Hohler ng Slovenia.
Dahil dito ay pinasalamatan ni Netanyahu si US President Donald Trump Dahil sa paninindigan ng US sa kanila.