-- Advertisements --

Patuloy ang espekulasyon sa lumalalim na tensyon sa pagitan nina NBA superstar LeBron James at Canadian rapper Drake, matapos lumabas si LeBron sa bagong music video ni Tyler, the Creator na “Stop Playing With Me” noong Hulyo 21.

Kapansin-pansin ang paglitaw ni LeBron kasama sina Maverick Carter at ang rap duo na Clipse—Pusha T at Malice—na kilalang may hidwaan kay Drake. Lalong uminit ang usapan nang i-post ni LeBron sa Instagram ang caption na: “STOP FKN PLAYING WITH ME!!!!”

Matatandaang noong 2024, tahasang sinuportahan ni LeBron si Kendrick Lamar sa kontrobersyal na “Pop Out” concert, kung saan inawit ni Kendrick ang diss track na “Not Like Us” laban kay Drake.

Mula noon, ini-unfollow na ni Drake si LeBron, binago ang lyrics ng ilang kanta upang alisin ang kanyang pangalan, at diumano’y pinalitan pa ang tattoo niya ng LeBron ng isa para kay NBA star Shai Gilgeous-Alexander.

Nagpatama rin si Drake kamakailan sa Wireless Festival 2025, kung saan binigkas niya ang linyang: “I saw bro in the Pop Out with them but been distant since ‘Headlines’,” na tila kumpirmasyon ng pagkakalamig ng kanilang samahan.

Bagamat kilala si Tyler, the Creator sa pagiging mapaglaro sa kanyang mga video, hindi nakaligtas sa fans ang timing at mga personalidad na kasama rito.

Hati naman ang reaksyon ng netizens—may mga pumupuna kay LeBron sa tila “pagsasama” niya sa mga kalaban ni Drake, habang ang iba’y umaasang magkakabati rin sila sa huli.