-- Advertisements --
Umapela ang Ukraine para sa modern missile defense systems ilang araw bago ang nakatakdang summit ng defense ministers sa Brussels.
Ayon kay Mykhailo Podolyak, adviser to the head of the Office of the Ukrainian President, para matapos ang giyera kailangan ng kanilang bansa ng heavy weapons parity.
Aniya, nangangailangan ang Ukraine ng 1000 howitzers caliber 155 mm, 300 MLRS, 500 tngke, 2000 armored vehicles at 1000 drones.
Nakatakdang magpulong ang mga Defense Ministers ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa kanilang headquarters sa Brussels sa araw ng Miyerkules, June 15 at Huwebes, June 16.
Kasama sa naturang summit ang defense minister ng Ukarinian at allied misniters at opisyal mula sa Sweden, Finland, Georgia, at European Union