Pinagtibay muli ng Korte Suprema na maaring magtestimonya ang mga pamilya at kaibigan ng asawa upang patunayan ang psychological incapacity sa pagpapawalang bisa ng kasal.
Sa isinulat na desisyon mula kay Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, idineklara ng Supreme Court Second Division na walang bisa ang naganap na kasal sa partikular na kaso nina Jeffrey Green at Rowena Green dahil sa psychological incapacity ni Rowena.
Batay sa impormasyong isinapubliko ng korte suprema, magkarelasyon sa loob ng apat na taon sila bago isinagawa ang kasal.
Ngunit matapos ang apat na taon ay naghain ng petisyon si Jeffrey Green upang sana’y mapawalang bisa ng kasal dahil sila umano’y parehong pysochological incapacitated.
Kung saan nagsumite pa ng psychiatric evaluation report si Jeffrey bilang katibayan na ito’y totoo nga.
Base sa ulat, madalas raw napapabayaan ni Rowena ang kanilang pag-aayos ng finances, kasabay ng pagsirit ng kanilang utang sa apat na milyong piso kaya’t inakusahan siya ni Jeffrey ng panloloko at magsisinungaling.
Pinaboran ang petisyong ito ng Regional Trial Court at idineklara na psychologically incapacitated si Rowena na tuparin ang mga tungkulin nito na dapat ginagampanan bilang asawa.
Ito ay pinagtibay din ng Court of Appeals at Korte Suprema na binigyang diin pa na maaring masuri ang mga kaso ng psychological capacity hindi lamang sa mga pahayag ng mag-asawa bagkus pati na rin ng mga malalapit sa kanila.
Paliwanag kasi ng kataastaasang hukuman na tinatanggap ang mga testimonya ng pamilya o malalapit na kaibigan nang sa gayon ay maiwasan ang potensyal na bias mula sa asaw ng naghain ng petisyon.