-- Advertisements --

Kinumpirma ng Malakanyang na sinimulan na ng Local Water Utilities Administration (LUWA ang imbestigasyon kaugnay sa kinasasangkutang kontrobersiya ng Prime water.

Ang nasabing imbestigasyon ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kasunod ng mga reklamo ng mga customers ng nasabing water service provider.

Sinabi ni Castro marami na sa mga costumers ang umiiyak dahil sa kanilang hindi magandang serbisyo o poor services.

Nilinaw naman ni Palace Press Officer USEC Claire Castro na hindi pamumulitka ang direktiba ni Pangulong Marcos na paimbestigahan ang nasabing kontrobersiya.

Tugon din ito ni Castro sa naging pahayag ni VP Sara Duterte na ang mga hakbang ngayon ni Pangulong Marcos lalo na sa PrimeWater na pag-aari ng mga villar ay pamumulitika.

Ito’y matapos inindorso ng Pangalawang Pangulo ang Senatorial bet na si Rep. Camille Villar.

Binigyang-diin ni Castro hindi dapat balewalain ng gobyerno ang mga hinaing ng ating mga kababayan lalo na sa hindi magandang serbisyo ng nasabing water service company.

Dagdag pa ni USec. Castro ang isyu sa PrimeWater ay hindi na bago, tanong din ng opisyal na bakit hindi ito nasulusyunan nuong nakaraang administrasyon sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na mayruong 73 joint ventures ang PrimeWater sa mga local water districts sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Karamihan sa mga nag reklamo ay mula sa Bulacan, Cavite, Laguna at Bohol.