Binigyang diin ni Education Secretary Sonny Angara na nananatiling committed ang kanilang ahensya sa pagtitiyak na lahat ng mga mag-aaral sa bansa ay functionally literate.
Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng inilabas na resulta ng 2024 functional literacy, education at mass media survey .
Sa naturang survey ay lumalabas na mahigit 18 million junior high school graduates ay ikinukunsidirang “functional illiterate” .
Nangangahulugan ito na ang nasabing bilang ng mga nagsipagtapos sa junior high school ay mayroong problema sa pagbabasa at mahina ang kakayahan sa pag-unawa sa kanyang binabasa.
Ayon sa kalihim , trabaho ng kanilang kagawaran na tiyakin na lahat ng mga learner ay magiging functionally literate.
Patuloy rin aniya ang kanilang ginagawang hakbang para matugunan ang ganitong isyu na layong matiyak ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan ng mga mag-aaral.