-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng Ukraine sa mga kaalyadong bansa nito na taasan pa ang pressure laban sa Russia.

Ito ay matapos na gumamit umano ang Russia ng Oreshnik missile sa western Ukraine.

Itinuturing ng Ukraine na ang nasabing armas na ginamit ng Russia ay isang malaking banta sa seguridad sa Europa.

Una ng inamin ng Ministry of Defence ng Russia na gumamit sila ng bagong intermediate-range ballistic missiles kasabay ng ilang daang mga missile.

Sa nasabing strike ay apat na katao ang nasawi at 22 iba pa ang nasugatan.