Umapela si Ukrainian president Volodymyr Zelensky sa China na maging susi sa panunumbalik ng kapayapaan sa pagitan nila ng Russia.
Ito ay matapos na naglatag si Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin ng mga kaparaan para tuluyang makamit ang kapayapaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Sinabi ng Ukrainian President na makikipagtulungan lamang ito sa China kapag irespeto nito ang mga international alaw at territorial integrity.
Sa ginawang talumpati ni Zelensky matapos ang isang taon na pananakop ng Russia sinabi nito na nakikita nila ang tagumpay ng kaniyang bansa ngayong taon.
Pinasalamatan nito ang mga bansang sumusuporta sa kanila para tuluyang maitaboy ang puwersa ng Russia.
Nanawagan din ito sa Russia na umalis na sa kanilang teritoryo at huwag ng pumatay ng mga sibilyan.