-- Advertisements --

Binuksan na ng pamahalaan ng Ukraine ang bagong sistema ng pagpasok ng mga mag-aaral sa Kharkiv kung saan itinayo ito sa ilalim ng lupa dahil parin sa patuloy na pambobomba ng Russia.

Ayon sa lokal na pamahalaan, nasa 17,000 estudyante ang nag-aaral na ngayon sa pitong underground schools sa lungsod, habang tatlo pang paaralan ang inaasahang magbubukas sa susunod na taon.

Maging ang ilang istasyon ng train ay ginawang pansamantalang silid-aralan upang maibalik ang kaunting normal sa pamumuhay ng mga bata.

Bagaman may pag-asang magkausap ang Ukraine at Russia para sa kapayapaan, maraming magulang tulad ang tanggap na malayo pa ang normal na pamumuhay. Gayunpaman, nais ng mga ito na maranasan ng kanilang mga anak ang aktuwal na pagpasok sa paaralan.

Ayon sa ulat ng Reuters isa sa mga batang mag-aaral ang kanilang na-interbyu ang masayang nagkuwento tungkol sa kaniyang unang araw sa paaralan.

Sa kabila ng panganib, patuloy ang pagsusumikap ng mga magulang, guro, at pamahalaan upang maipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng sigalot.