Inanunsyo ng Kremlin noong Huwebes na pumayag na si Russian President Vladimir Putin na makipagpulong kay U.S. President Donald Trump, ngunit hindi pa inilalabas ang eksaktong petsa at lugar ng gaganaping pagpupulong.
Ayon kay Putin adviser Yuri Ushakov, magsisimula na ang paghahanda para sa nasabing summit na magaganap sa mga susunod na araw.
Bagamat iminungkahi ang trilateral meeting kasama si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, tiniyak na ang pulong ay para lamang kina Putin at Trump.
Nakasaad din na napagkasunduan na ang lugar ng pagpupulong at ipaaalam ito ng Kremlin sa mga susunod na araw.
Ginawa ang anunsyo kasunod ng pagbisita ng White House special envoy Steve Witkoff kay Putin bilang bahagi ng pagsisikap na maabot ang kapayapaan bago ang deadline ni Trump sa Agosto 8, kung saan magpapatupad siya ng mahigpit na parusa laban sa Russia kung hindi ito susunod.
Una rito naging positibo si Trump na naging mahusay na pakikipag-usap ni Witkoff sa Russian President at sinabing nagkakasundo ang mga kasaping European allies na dapat nang matapos ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.