anti tank missile
US Javelin anti-tank missile (Wiki photo)

Ibinunyag ng Ukraine na bibili ito ng mas maraming mga US Javelin anti-tank missile systems.

Ayon sa Defense Ministry ng bansa, ito na ang pangalawang beses na pagbili nila ng anti-tank missiles at launch units sa Amerika.

Dagdag pa nito na napirmahan na nila ang kontrata sa huling buwan ngayong taon.

Noong 2014 ay naging pinakamalakas ang US na supporter ng Ukraine mula ng sumiklab ang kaguluhan nila ng Russia.