LAOAG CITY – Tuluyan ng pinasok ng UK variant ng covid-19 ang Ilocos Norte.

Sa inisyal na impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Laoag mula kay Police Lt. Roi Manuel Ordonio, chief of police ng PNP-Pasuquin, ang pasyente ay galing umano sa bansang Bahrain at dumating sa lalawigan kahapon, Pebrero 13, 2021.

Sinabi nito na ang pasyente ay kasalukuyan naka-isolate dito sa lungsod ng Laoag.

Una nang nagpalabas ng advisory ang lokal na pamahalaan ng Badoc na ang pasyente ay residente sa bayan ng Pasuquin.

Base sa advisory, lahat ng mga pumasok o naging customers ng Laeno’s Eatery, partikular sa border sa bayan ng Badoc mula noong Pebrero 9 hanggang ala-una ng hapon ngayon, Pebrero 14 ay dapat mag-report sa BHERTs o MHO/CHO dahil ang mga ito ay third generation contacts ng pasyente.

-- Advertisement --

Dapat umanong mag-quarantine ang mga ito ng 14 na araw at sasailalim sa swab test.