Iginiit ng Uganda na wala silang kasunduan sa Estados Unidos upang tumanggap ng mga hindi-legal na immigrants na ide-deport mula sa ibang bansa.
Ayon kay Uganda’s state minister for foreign affairs Henry Oryem Okello, wala silang sapat na pasilidad at kakayahan para tanggapin ang mga immigrants na ito.
Ito ay kasunod ng ulat ng CBS News na nagsasabing may napagkasunduan umano ang White House at Uganda para tumanggap ng mga deported immigrants mula sa ibang bansa sa Africa, basta’t walang kriminal na rekord.
Samantala, nilinaw naman ng U.S. Department of Homeland Security na kinakailangan ang third-country deportations para sa mga taong hindi tinatanggap ng kanilang sariling bansa dahil sa matitinding krimen.
Binatikos naman ng iba’t ibang mga human rights group ang hakbang ng Amerika dahil sa itinuturing nilang ilegal ang ganitong deportasyon, lalo na kung ipinapadala umano ang mga tao sa mga bansang may problema sa karapatang pantao.
Sa ngayon, umaasa ang Uganda na mapanatili ang kanilang papel bilang kanlungan para sa halos dalawang milyong mga refugee mula sa mga karatig-bansa.