-- Advertisements --

Sampung bansa sa Africa ang nakaranas ng pagkalat ng mpox dahil sa clade Ib monkeypox virus (MPXV) sa nakalipas na anim na linggo.

Ang Democratic Republic of the Congo ang may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng mpox sa Africa ngayong 2025, ngunit may kakulangan sa datos at pagsusuri dahil sa pagbaba ng kapasidad sa testing.

Sa Uganda, bumaba ang kumpirmadong kaso kamakailan, ngunit patuloy pa rin ang matinding pagkalat nito, na may halos 200 bagong kaso bawat linggo.

Patuloy na bumababa ang kaso sa Burundi, mula sa mahigit 200 bawat linggo sa kasagsagan ng outbreak, ngayon ay mas mababa sa 50 kaso bawat linggo.

Sa Sierra Leone, sumipa ang bilang ng kumpirmadong kaso sa nakaraang anim na linggo, na may higit sa 600 bagong kaso nitong huling linggo, karamihan ay sa mga kabataang nasa urban na lugar.

Maging sa Pilipinas ay may mga naitala na ring Mpox cases.