-- Advertisements --

Aabot sa 24 na mga mag-aaral ang nasawi matapos ang pagkakasunog sa dalawang paaralan sa Democratic Republic of Congo.

Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa naganap na stampede sa Bukavu sa silangang bahagi ng Congo.

Dinala naman sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

Mayroong mahigit 300 na mga kabahayan din ang natupok ng malaking sunog sa lugar.

Inaalam pa rin ng mga otoriadad ang sanhi ng nasabing sunog.