Tumungtong na sa 7,000 na bilang ang kaso ng tinamaan ng Ebola virus sa Democratic Republic of the Congo (DRC) kung saan tinagurian itong pinakamalalang outbreak ng nasabing sakit sa kanilang kasaysayan, ayon sa lokal na pamahalaan ng Congo.
Mula sa 7,022 na aktibong kaso ng Ebola, naitalang 3,398 ang bilang ng mga namatay habang kasalukuyang ginagamot ang 837 na katao.
Ang nasabing outbreak ay dulot ng Bundibugyo variant ng nasabing virus, ang ika-17 nitong epidemya na galing sa hilagang-silangang bahgi ng Ituri province ng DRC.
Naitala na ring kumalat ang nasabing virus sa ilang rehiyon ng bansa, partikular sa mga rehiyong talamak ang mga armadong grupo kung saan hindi sapat ang kakayahan ng pagamutan at pamahalaan sa lugar.
Tinatayang 15,000 katao na ang nasawi dulot ng Ebola sa nakaraang limang dekada sa Africa. Nahahawa ito sa pamamagitan ng contact sa mga bodily fluids. Kabilang sa mga komplikasyong dulot ng sakit ang severe internal at external bleeding at organ failure.
Sa ngayon, wala pang aprubadong lunas o vaccine kontra Ebola ngunit patuloy naman ang pagsasaliksik ng mga eksperto sa karampatang gamot para rito.















