-- Advertisements --

Tinanggal sa “UFC Fight Night” si Matt Frevola matapos na nagpositibo sa COVID-19 ang kaniyang cornerman.

Ayon sa 30-anyos na lightweight figher, nakatakda sana nitong labanan si Frank Camacho sa darating na Linggo sa South Carolina subalit dahil sa pangyayari ay hindi na ito pinayagang lumaban.

Noong nakaraang linggo kasi ay sumailalim siya at ang buong team niya ng COVID-19 testing bilang strict screening protocol ng UFC at lumabas na nagpositibo ang cornerman nitong si Billy Quarantillo.

Bagamat negatibo ito ay tinanggal pa rin siya ng UFC sa laban.
Mayroong record si “Steamrolla” Frevolla na walong panalo at isang talo.

Dahil dito ay nagpasya si UFC President Dana White na ipalit na lamang si Justin Jaynes na labanan si Camacho.

-- Advertisement --

Hindi lamang siya ang unang tinanggal sa laban matapos magpositibo sa coronavirus dahil noong Mayo ay hindi rin pinayagang lumaban si “Jacare” Souza sa UFC 249 matapos na ang dalawang cornerman nito ay nagpositibo sa nasabing virus.