Reading Time: 1 minute
Alex Acosta
Alex Acosta/ IG photo

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si US Labor Secretary Alex Acosta.

Kasunod ito sa kontrobersyal na plea deal ng milyonaryong si Jeffery Epstein.

Sa nasabing deal ay mayroon lamang 13 buwan na nakulong si Epstein sa prostitution charges dahil sa pagkakasangkot sa mga babaeng menor de edad.

Magiging epektibo ang resignation ni Acosta sa susunod na Biyernes at inanunsiyo ni Trump na papalit sa kaniya y ang kasalukuyang labor deputy secretary Pat Pizzella.

Labis naman ang panghihinayang ni Trump sa pagbibitiw sa puwesto ni Acosta dahil sa naging maganda ang ipinakita nitong trabaho.