-- Advertisements --

Nagpakitang gilas si Tyrese Haliburton matapos isalpak ang winning shot nito sa natitirang 0.3 seconds upang hatakin ang Indiana Pacers sa isang 111-110 panalo laban sa Oklahoma City Thunder sa Game 1 ng NBA Finals nitong Huwebes (oras sa Amerika).

Ito ang kauna-unahang lamang ng Pacers sa buong laro, at dumating pa matapos silang mabaon ng 15 points sa huling 9:42 ng fourth quarter. Nagtala si Haliburton ng 14 points at 10 rebounds, kabilang ang clutch 21-foot jumper na nagpakaba sa Thunder.

Sa kabilang banda pinangunahan naman ni Pascal Siakam ang Pacers na may 19 points, habang sina Obi Toppin (17 pts), Myles Turner (15 pts), at Andrew Nembhard (14 pts) ay nagsilbing suporta sa comeback win.

Naitala rin ito bilang ikalimang beses ngayong playoffs na nakabalik ang Indiana mula sa 15 o higit pang puntos na pagkakalugmok.

Bagamat nagkaroon ng 24 turnovers ang Pacers, pinigilan nilang mag-capitalize ang Thunder na nagtala lamang ng 11 points. Hindi rin napigilan ni Haliburton ang 38-point explosion ni MVP Shai Gilgeous-Alexander, pero hindi ito naging sapat upang maiwasan ang pagkatalo.

Sa kabila ng mabigat na pagkatalo, sinabi ni Thunder coach Mark Daigneault na kailangan nilang matuto mula sa pagkakamali.

Samantala ang Game 2 ng best-of-seven series ay gaganapin sa Linggo sa Oklahoma City.