-- Advertisements --

Ipinalasap ng Utah Jazz sa eastern conference defending champion na Indiana Pacers ang ika-sampung pagkatalo ngayong season, 152-128.

Tinambakan ng Utah ang Indiana ng 24 big points sa pangunguna ng bigman na si Lauri Markkanen na gumawa ng 35 points.

Walong player ng koponan ang kumamada ng double-digit scores sa kabuuan ng laban kung saan tatlo sa kanila ay pawang mga bench player.

Ito na ang ika-11 laro ng Pacers ngayong season at tanging isa pa lamang ang naipapanalo. Sa muli nitong pagkatalo, gumawa ng 27 pointys ang NBA champion na si Pascal Siakam habang 25 points naman ang pinakawalan ng guard na si Andrew Nembhard.

Sa pagtatapos pa lamang ng 3rd quarter, hawak na ng Jazz ang 23-point lead sa tulong ng episyenteng 3-point shooting.

Hindi na rin pinaporma ng koponan ang Indiana sa huling quarter at tuluyang ibinulsa ang laban bilang ika-apat na panalo ngayong season.

Sa kabuuan, nagpasok ang Jazz ng 51 field goals kung saan 19 dito ay pawang mga 3-pointers. (report by bombo Jai)