-- Advertisements --

NAGA CITY – Nagsimula nang maranasan ang pagbuhos ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Tokyo, Japan dala ng Bagyong Kristine na may international name na Haishen.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga kay Charlie Pagaran kasalukuyang nagtatrabaho sa Japan, bagama’t may dalang panganib ang nasabing bagyo ay tila sanay na aniya ang mga tao sa ganitong sakuna.

Ayon kay Pagaran, may kaalaman na ang mga tao pagdating sa contingency plans ng pamahalaan hindi lamang sa bagyo ngunit maging sa iba pang kalamidad gaya ng lindol.

Sa kabila nito, pinag-iingat pa rin ng mga otoridad ang mga residente sa naturang bansa.

Samantala, inaasahang tatahakin ng bagyo ang direksyon patungong Rykyu Islands sa Japan at sa Korean Peninsula sa lakas na 185 kilometro bawat oras at may pagbugsong aabot ng 230 kilometro bawat oras.

Kagabi lang nang lumabas sa Philippine area of responsibility ang Typhoon Haishen.