BUTUAN CITY – Patay ang isang local tourist matapos makuryente mula sa kidlat sa kasagsagan ng kanilang tour sa Naked Island sa General Luna, Surigao del Norte.

Napag-alamang patay na nang dalhin sa Siargao District Hospital sa bayan ng Dapa ang biktimang si Lee Christian Ragosta Zamora, 30-anyos na manager ng isang insurance company at taga-Taloto, Tagbilaran, Bohol.

Maliban dito, limang iba pa ang sugatan at dinala sa ospital

Una rito, pasado alas-2:00 ng hapon habang abala sa picture taking nang biglang kumidlat kung saan tumama ito sa buhangin malapit sa kanilang kinatatayuan sanhi ng agaran nilang pagkatumba.

Dali silang dinala ng mga pumpboat operators sa Siargao District Hospital sa bayan ng Dapa ngunit idineklarang patay ni Dr. Gia Gomez si Lee.

Nakaligtas naman ngunit ginagamot pa sina Elain Jhane Ragosta Zamora, 19; Princes Figuracion Jayme, 23, taga-Banilad, Cebu; Zuzanne Sagamol, 27, ng Barangay Sun Valley, Paranaque City; at Grace Rodriguez Tolibas, 28, taga-Barangay 5 sa bayan ng General Luna ng nasabing isla.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here