-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Air Force (PAF) na inaasahang daratimg na sa bansa ang suporta na inihanda ng Estados Unidos upang makatulong sa relief response at humanitarian assistance ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lubhang naapektuhan ng pananalasa ni Bagyong Dante at Bagyong Emong.

Ayon kay PAF Deputy Spokesperson Maj. Joseph Calma, kasalukuyang nasa Japan na ang KC-135 aircraft ng Estados Unidos na mayroong bitbit Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) Equipment.

Paliwanag ni Calma, naghihintay na lamang ito ng hudyat para sa departure para agad na makalipad at makalapag sa Clark Airbase sa Pampanga ang naturanag equipment.

Bagamat inaasahan na ang mga naturang kagamitan ay wala pa ring eksaktong araw at oras kung kailang maaaring lumapag dito ang mga paunang tulong ng US.

Hindi naman muna makumpirma sa ngayon kung magtatagal ang naturang aircraft sa bansa bilang karagdagang tulong sa paghahatid ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyo ngunit iginiit ng PAF na bukas sila sa mga ganitong posibilidad.

Kasunod naman nito ay kinumpirma rin ni Calma na mayroon silang higit sa 40 assets na nakastandby para sa mga maaaring ikakasang operasyon at kung kakailanganin ng mga dagdag na assistance sa mga relief operations.

Isang sokol helivopter na ang nakastandby sa Clark Airbase sa Pampanga, ilang mga s70i black hawks na rin ang nakastandby alert sa kasalukuyan sa iba pa nilang military facilities.

Ang mga kagamitan na ito ay maaaring magamit para sa mga immidiate evacuation operations at iba pang mga humanitarian assistance na kakailanganin ng publiko.

Samantala, ang utilization naman ng mga naturang assets at equipments ay nakadepende pa rin sa kung ano ang magiging requirement ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa pangunguna ng Office of Civil Defense (OCD).

Maliban naman sa mga humanitarian assistance at evacuation operations ay maaari din aniyang magamit ang kanilang mga aircraft sa mga rapid damage assessment and needs analysis.