usgs indonesia
Indonesia

Pinalikas ng mga otoridad sa Indonesia ang mga residente na malapit sa dalampasigan dahil sa banta ng tsunami.

Naglabas kasi ng tsunami warning ang Indonesian geophysics matapos na tumama ang magnitude 7 na lindol sa lungsod ng Teluk Betung sa Banten province sa isla ng Java.

Ayon kasi sa U.S. Geological Survey (USGS) may lalim na 59 km. ang lindol sa may 227 km mula sa isla ng Java.

Wala naman naitalang anumang damyos o casualties sa nangyaring pagyanig.