Tahasang inamin ni US President Donald Trump na umiinom ito ng kontrobersyal na hydroxychloroquine bilang panlaban sa coronavirus 2019 o COVID-19.

hydroxychloroquine
hydroxychloroquine

Sinabi nito na ilang linggo na itong umiinom araw-araw at wala aniya siyang nararamdaman dahil ang nasabing gamot ay naimbento na 40 taon na ang mahigit na panlaban sa malaria, lupus at kahalintulad.

Mismo aniya ang White House doctor ang nagrekomenda sa kaniya na uminom ng nasabing antimalarial drugs.

Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay nagbabala ang mga medical experts at maging ang US Food and Drug Administration sa posibleng negatibong side effects na ginagamit ng ilan laban sa COVID-19.