Kumpiyansa si US President Donald Trump na gagawin ng lahat ng kaniyang mga kaalyadong Republican na mambabatas para baligtarin ang resulta ng halalan kung saan panalo ang pambato ng Democrats na si Joe Biden.
Ito ay matapos na nalalapit na pag-convene ng mga mambabatas para sa pormal na pagdeklara ng panalo sa nagdaang November US election.
Gaganapin ito sa darating na Enero 7 (oras sa Pilipinas) kung saan idedeklara ang pormal kung saan iprepreside ni US Vice President Mike Pence.
Nagpahayag naman ng pagkontra ang ilang Republicans dahil hirap na aniya nilang mabaligtad ang resulta ng halalan kung saan mayroong 306 na electoral votes ang nakuha ni Biden kontra sa 232 na boto na nakuha ni Trump.
Nanawagan na rin si Speaker Nancy Pelosi sa kapwa mambabatas na kumbinsihin ang mga mamamayan na magtiwal sa democratic system ng halalan.
Magugunitang sa mahigit 50 na kaso na inihain ng pangulo at mga kaalyado nito para sa pagkuwestiyon ng resulta ng halalan ay halos lahat ng mga ito ay ibinasura at dalawang beses na rin natalo ang kampo ni Trump sa US Supreme Court dahil sa pagkuwestiyon sa resulta ng US election.