trump greenland 2
Donald Trump

Tinanggal na ang US ang ipinataw na sanctions nila sa Turkey.

Ayon kay US President Donald Trump, ito ay dahil sa pumayag na ang Russia sa Turkey na magpakalat ng mga sundalo sa Syrian border.

Paglilinaw naman nito na mananatiling lifted ang sanctions at kapag mayroong hindi ikinatuwa ng US sa ginawa ng Turkey ay kanila itong ibabalik.

Magugunitang mula ng ianunsiyo ni Trump ang pagtanggal ng mga sundalo sa Syria ay naglunsad na ng opensiba ang Turkey para mapalayas ang mga Kurdish fighters sa kanilang border.