ADAM SCHIFF IMPEACHMENT
California Rep. Adam Schiff

Kinuyog ng mga impeachment prosecutors si US President Donald Trump upang ilatag ang kanilang mga akusayon kung bakit dapat itong patalsikin sa puwesto.

Tinuligsa ni California Rep. Adam Schiff sa kicked off ng House Democrats’ three-day opening case si Trump na nagtatangkang mandaya sa nalalapit na 2020 presidential election sa pamamagitan ng kuwestyunableng pakikipag-deal sa lider ng Ukraine.

“We are here today in this hallowed chamber… because Donald J. Trump solicited foreign interference in our democratic elections, abusing the power of his office by seeking help from abroad to improve his reelection prospects at home.” ani Schiff.

Sinusugan din ito ng isa sa House impeachment manager na si Rep. Hakeem Jeffries, ang democrat mula sa New York ay pilit kinumbinsi ang mga senator-judges na dapat i-convict ang lider ng Amerika.

REP HAKEEM JEFFREIS
New York Rep. Hakeem Jeffries

“On the July 25 call, Trump repeatedly pressed Zelensky to coordinate with his personal attorney, Rudy Giuliani. Witnesses testified that Giuliani was working at cross-purposes with official U.S. foreign policy. He had one focus: helping Trump’s re-election,” wika pa ni Rep. Jeffries.

Habang si Rep. Val Demings ng Florida, at isa rin sa House impeachment prosecutors ay iginiit ang kahalagahan ng pagpapatawag ng mga testigo na siyang magdidiin kay Trump kasama na si dating White House national security adviser John Bolton.

“Ambassador Bolton made clear that he didn’t want to have anything to do with Trump’s “drug deal.” We need to hear directly from Bolton. The American people deserve all the facts,” pahayag pa ni Demings.

REP VAL DEMINGS
Florida Rep. Val Demings