Plano ngayon ni US President Donald Trump na muling buksan ang dating prison facility sa San Francisco na Alcatraz.
Mahigit 60 na taon isinara ang prison facility dahil sa kalumaan na nito at mataas na maintenance ay magsisilbi umano bilang simbolo ng batas, katahimikan at hustisya.
Pinag-iisipan niya na doon ilagay ang mga pinapa-deprt na mga migrants.
Noong 1934 ay isang notorious federal penitentiary kung saan doon ikinulong ang mga kilalang kriminal gaya nina Al Capone, George “Machine Gun” Kelly at James “Whitey” Bulgar.
Ang mga inmates ng Alctraz ay mayroon lamang apat na karapatan ito ay ang pagkain, pananamit, shelter at medical care.
Makakamit lamang ang ibang mga prebilihiyo gaya ng bisita mula sa pamilya o access sa libro, art supplies at musika kapag ito ay maipon sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti sa loob.