-- Advertisements --
Ikinatuwa ni UFC President Dana White ang pagpapasalamat sa kanila ni US President Donald Trump.
Ito ay dahil sa muling pagbabalik daw niya ng sporting events sa US ngayong panahon ng coronavirus pandemic.
Ayon sa US President na kahit na gawin ang social distancing o ano pa man basta ang mahalaga ay maibalik ang sports sa US.
Isa si White sa lantarang nagsuporta kay Trump noong 2016 US election.
Magugunitang sinimulan ni White ang UFC 249 na walang anumang audience kung saan nagwagi si Justin Gaethje laban kay Tony Ferguson.