-- Advertisements --

Pinangunahan ni US President Donald Trump ang pirmahan ng peace agreement ng mga lider ng Democratic Republic of Congo at Rwanda.

Isinagawa sa White House ang nasabing pirmahan na dinaluhan nina Congo President Felix Tshisekedi a Rwanda President Paul Kagame para matapos na ang mahigit tatlong dekadang kaguluhan.

Una ng nagkaroon ng pirmahan ang mga foreign ministers ng nasabing mga bansa noong Hulyo subalit hindi pa rin natapos ang kaguluhan.

Ipinagmalaki ni Trump na ang nasabing kasunduan ay permanente na.

Kasama sa nasabing ceasefire agreements ang pagtanggal ng mga armas ng mga rebelde ganun ang pagpapauwi ng mga refugees sa kanilang mga bahay.