-- Advertisements --

Kinumpirma ni US special envoy Steve Witkoff na papangunahan ni US President Donald Trump ang Gaza meeting sa White House araw ng Miyerkules, oras sa Amerika.

Sinabi din ni Witkoff na inaasahang magwawakas ang giyera sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gaza sa pagtatapos ng taon.

Hiwalay namang kinumpirma ng US State Department na makikipagkita si US Secretary of State Marco Rubio kay Israeli Foreign Minister Gideon Saar sa Washington sa parehong araw bandang alas-3:15 ng hapon eastern time.

Nauna na ngang nangako si Trump para sa agarang pagwawakas ng giyera sa pagitan ng magkalabang panig noong 2024 US presidential campaign at matapos umupo sa pwesto noong Enero subalit halos pitong buwan na sa kaniyang ikalawang termino ay nananatiling mailap pa rin ang naturang layunin.

Sa kasalukuyang datos ng Gaza health authorities, mula nang magsimula ang pag-atake ng Hamas sa southern Israel noong Oktubre 7, 2023, kumitil na ang giyera ng mahigit 62,000 Palestino, nag-displace din ang buong populasyon sa Gaza at dumadanas ang mamamayan ng krisis ng kagutuman na nagresulta ng akusasyon sa Israel ng genocide at war crimes sa teritoryo, bagay na itinatanggi naman ng panig ng Israel.