Kinuwento ni PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang naging encounter niya kay US President Donald Trump.

Sinabi ni  Dela Rosa, ipinakilala siya ng isang secret service agent kay Trump at nang sinabi na siya si “Ronald Dela Rosa PNP chief” ng Philippines, napa “oooooohhhhh yeah” daw ng mahaba si Trump.

Ang iba pa aniyang sinabi ng lider ng Amerika ay kaniya na lamang.

Pahapyaw namang sinabi ni Dela Rosa na kung sasabihin niya ang napag-usapan nila ng US President ay siguradong magre-react ang militanteng grupo.

Agaw atensiyon kasi ang larawan ni PNP chief sa social media kung saan ipinakilala siya kay President Trump at ang ginawa nitong caption.

“A oo” sabi nya, noong magsabi ang secret service agent Mr  President, General Bato Dela Rosa,chief of the Philippine National Police, sabi nya ohhhhhh yeah, wala akin na lang yun. Hindi ko na, mamaya magreact na naman yung mga militante dya. Basta masasabi ko classified Yung sinabi nya ayoko na sabihin,” wikapa ni PNP chief.