-- Advertisements --
Tiwala si US President Donald Trump na mapapalaya na ang mga bihag sa Gaza.
Sinabi nito na kapag naging matagumpay ang pulong ng mga mediators sa Egypt para sa indirect peace talks sa pagitan ng Hamas at Israel.
Ang nasabing pag-uusap ay isinagawa matapos ang pumayag ang Hamas sa ilang bahagi ng 20-point US peace plan.
Kasama sa naging pagpayag nila ay ang pagpapalaya ng mga bihag at ang pagpapasakamay ng Gaza sa pamumuno ng Palestinian technocrats.
Giit pa ng US President na isang magandang kasunduan ito sa Israel at sa buong Arab world,Muslim World at sa buong mundo.