-- Advertisements --
Naniniwala si US President Donald Trump na magiging matagumpay ang gagawing pulong niya kay Russian President Vladimir Putin.
Layon aniya nito ay maisaayos ang pagpupulong para kay Putin at Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Sakaling maging matagumpay ang nasabing pulong ay agad niya tatawagan si Zelensky at ipaalam dito ang pagsasagawa ng pangalawang meeting.
Tiwala ito na matutuloy din ang pulong nina Putin at Zelensky.
Isinagawa ni Trump ang pahayag isang araw bago ang nakatakdang pulong niya kay Putin na gaganapin sa Anchorage City sa Alaska.