Nakatakdang bumisita si US President Donald Trump sa China sa Abril sa susunod na taon.
Ito ay matapos silang magkausap sa telepono ni Chinese President Xi Jinping.
Tatalakayin ng dalawang lider ang iba’t ibang isyu kabilang ang usapin sa Taiwan, Russian invasion sa Ukraine, trade at fentanyl trafficking.
Pinakahuling nagkita ang dalawa sa Busan, South Korea noong Oktubre, kung saan nauna na ring pinagdiskusyunan ng dalawa ang usapin sa Taiwan at Russian invasion.
Dito, sinabi ng Chinese President kay Trump na mahalaga ang pagbabalik ng Taiwan sa China para sa bisyon ng higanteng bansa para sa “post-war international order.”
Sa isang post, kasabay ng pag-anunsiyo sa kaniyang nakatakdang state visit sa China, inilarawan ni Trump ang relasyon ng Amerika at China na sobrang matatag.















