-- Advertisements --

Nagbigay ng magkasalungat na pahayag si US President Donald Trump tungkol sa digmaan ng Amerika at Iran, habang papalapit ang pagtatapos ng 14-day ceasefire. Sinabi niyang hindi siya nagmamadali sa pagresolba ng sigalot, pero posible pa rin ang bagong negosasyon sa Pakistan.

Ayon kay Trump, posibleng magpadala pa rin ng US team para sa talks, kahit tumatanggi ang Iran hangga’t hindi binabago ang posisyon ng Washington. Nagbabala rin siya na posibleng lumala ang sitwasyon kung walang kasunduan.

Giit naman ng Iran, hindi sila makikipag-usap sa ilalim ng banta at inakusahan ang US ng hindi pagtupad sa usapang tigil-putukan. Nanatiling matindi rin ang tensyon sa Strait of Hormuz.

Sa gitna nito, nananatiling malabo kung mauuwi sa panibagong peace talks o tuluyang pagbagsak ng ceasefire. ( report by Bombo Jai)