-- Advertisements --
Nagbanta si US President Donald Trump na kaniyang tuluyang ipapatupad ang banta nitong mataas na taripa sa mga bansa.
Sinabi ni Treasury Secretary Scott Bessent na mangyayari lamang ito kapag hindi naging tapat at sinsero ang mga bansa.
Una kasing ipinatupad ang mataas na taripa noong Abril 2 subalit kaniya ito ng ipinagpaliban ng 90 araw para mabigyan ng tsansa ang mga bansa na magkaroon ng pag-uusap.
Mula ng ipatupad ang nasabing pagbabanta ay maraming lider ng mga bansa ang kumausap kay Trump para mapababa ang nasabing taripa.