Nag walk out si U.S. President Donald Trump sa Senado matapos akusahan si U.S. Senate Minority Leader Chuck Schumer ng “political extortion” at sabihing “GO TO HELL” sa isang post nito sa Truth Social.
Tinawag pa ni Trump na “egregious and unprecedented” ang mga kahilingan ni Schumer, na nagsusulong umano ng pag-release ng pondo ng gobyerno at mga garantiya laban sa dagdag na cuts sa federal funds.
Nag-udyok ito nang maganap ang kasunduan, kabilang ang pag-apruba sa nominasyon ni Trump, tulad ng 60 appointees na may bipartisan support.
Kasama rin sa kasunduan ang mga kahilingan ng mga Democrats, tulad ng pag-aalis ng mga freeze sa National Institutes of Health (NIH) at foreign aid funding.
Ngunit tinanggihan ito ni Trump, at inakusahan si Schumer ng paghiling ng higit sa isang bilyong dolyar kapalit ng kaunting nominasyon.
Tinawag niya itong “political extortion,” na magiging kahiya-hiya umano para sa mga partido nito sa Republicans kung tatanggapin ang nominasyon.
Samantala sa isang press conference binatikos naman ni Schumer si Trump sa mabilisang pag-suko nito sa kasunduan, at tinanong ng mambabatas kung ito ba aniya ang ”Art of the Deal”?
Matapos ang insidente, bumoto ang Senado sa pitong nominasyon bago mag-adjourn para sa recess, at ipinagpaliban ang natitirang mga nominasyon hanggang Setyembre, 2025.